bagong salita sa aking dila

curious ka?hmm..siguro.. kasi nga binabasa mo na ito..

hindi naman to masyado ganun kaseryoso. ibabahagi ko lamang ang ilang mga salita na natutunan ko sa pagtira ko sa capalonga ng higit sa isang linggo. matagal din yun noh. =D

gaya ng mga pangalan ng mga tulay sa camarines norte. nahiwagaan din ako nang marinig ko ang mga mamamayan ng lugar magsalita. kakaiba talaga.

"Bumili ka na ba ng TIBI?" narinig ko sa isang ale. Inisip ko ano kayang tibi? telebisyon ba? grabe naman. imposible ata. alangan namang yung sakit na nakakahawa? mas lalong imposible. nakakabiyak utak. ANO KAYA?

ang TIBI pala sa kanila ay isang uri ng kabibi. hindi telebisyon o sakit. kundi pagkain! haha. kakatuwa.

isama mo na rin sa pamilya ang tinatawag nilang KIBIT at SAHANG. hmmm. ano kayang lasa nila?

Naikwento din sa akin ang ilan sa mga kakaibang pangalan na meron sa isang lugar.

Meron daw nagngangalang… (pilitin mo munang huwag tumawa, kawawa naman sila)

Ok. Sige. Eto na.

May mga taong nagngangalang…

BOTOBOT, POLOPOT, BOGRONG at ITOT…

hahaha. nakakatawa diba?! ang bantOt.

kawawa naman ng mga taong ating napagusapan, ni hindi nila alam. hihihi. matinding pangungutya na siguro ang inabot nila at katatawanan..

Payo lang, huwag niyo nang pangarapin o isipin man lang na ipangalan ito sa kanino man dahil sama ng loob lamang ang kahihinatnan. Hihihi.

Ilan pang mga salitang bago sa aking bokabolaryo ang mga sumusunod:

GABAY-GABAY. ibig sabihin isang grupo.

TIGIB.             ibig sabihin maraming tao.

MANALA.         isang octopus.

IDING-IDING.  maliit.

BIHOG.          mga aeta.

AMOS.           dumi sa mukha.

PALANG.        hatiin at biyakin.

May naalala pala ako. Dumayo kami sa isang lugar nagngangalang BANBAN, naglakad kami ng 6 na kilometro, dinaanan ang 2 bundok at tumawid sa mga maninipis na tulay para lamang marating ito at makapaligo sa sinasabing white beach daw. Kaso. MAY Problema. Meron daw mga SALABAY na nakamamatay. Hindi ko maintindihan. Ano kaya iyon? Tinanong ko ang isang matandang lalaki, bakit di pwede? Pagalitan ba ko. May SALABAY nga daw kasi. ANO NGA YAN? nakakainis. Magtatanong ba ko kung alam ko. Yun pala, dikya. hai. Yun lang pala.

SAGABAL kasi na mga SALABAY. Di tuloy kami nakapaligo. Hmp.

Kung wawariin mo nga naman, bawat lugar ay mayroong naiibang pagkakagamitan ng salita.

Naisip ko lang, nang marinig kaya nila kaming magsalita, di rin kaya sila natawa? Siguro. Eh di. Parehas lang.

Bookmark and Share

One Response to “bagong salita sa aking dila”

  1. joEy Says:

    hahah..nice realization..nice thoughts..magayon mna yan atleast dakul kang nanunudan na mga words..hehe astig baga! mkapangirit kung iisipon pero dats the reality of life,,we must appreciate and understand their culture..heheh

Leave a Reply